Karamihan ng mga Pinoy WALANG TIWALA sa CHINA


Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), mas tiwala ang karamihan ng mga pinoy sa Amerika kaysa sa China.
55 porsyento ng mga Pinoy ay may “little trust” sa China, kumpara sa 22 porsyento lamang na nagtitiwala rito. 19% naman sa respondents ang undecided.

Isinagawa ang survey mula noong September 24 hanggang 27 gamit ang face-to-face interviews ng 1,200 adults sa buong bansa na mayroong +3 percentage-point sampling error margin.
Sa kabilang banda, “very good” o katumbas ng +66 ang overall trust rating ng mga Pinoy sa United States (US), kumpara sa China nakakuha ng “bad” o -33 net rating.
Ayon naman kay Albay Rep. Edcel Lagman, dapat umanong gamitin ni Pangulong Duterte ang resulta ng survey na hindi upang hindi talikuran ang Amerika.
Ayon naman kay Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III mahihirapan si Pangulong Duterte na ikabig ang diplomatikong relasyon sa China dahil sa mas pabor ang mga Filipino ang Amerika.
Nagkaroon ng lamat ang relasyon ng Amerika at Pilipinas simula ng manghimasok ang Amerika sa mga nangyayaring extra judicial killings sa bansa. Matatandaang ilang beses nagmura at naglabas ng masasamang salita ang Pangulo laban sa US, EU at UN, bagay na nilanaw nya sa kanyang speech sa Brunei, na kaya nya ginawa yun ay upang makuha nya ang atensyon ng ibang bansa. Upang sila ay makinig sa kung ano ang kanyang gustong nyang ipahiwatig at wag basta makinig sa kung ano ang ilabas ng local na medya.
Isang pang ugat ng sama ng loob ni Duterte sa Amerika ay ang kaso ng nakatakas na Amerikanong si Michael Terrence Meiring. Noong May 16, 2002 ay nagkaroon ng pagsabog sa kwarto ng kanyang hotel na tinutuluyan. May iba pang gamit sa paggawa ng bomba ang nakita sa looob ng kanyang kwarto. Tatlong araw syang nanatili sa hospital habang nagpapagaling nang umano'y may dumating na mga lalaking nagpakita ng F.B.I badges at kinuha at inilabas ng bansa si Meiring. 
“Why should the U.S. take him out of the country? That’s the puzzle,”dagdag na pahayag pa ng isang high-ranking Philippine intelligence official  na ayaw magpakilala. 
 
Karamihan ng mga Pinoy WALANG TIWALA sa CHINA Karamihan ng mga Pinoy WALANG TIWALA  sa CHINA Reviewed by Jhon on 09:46 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.