Duterte, hindi umano takot sa KUDETA
MANILA, Philippines – “Kasali ‘yan sa destiny ko na kung ma-Presidente ako ng dalawang buwan lang, dalawang taon, that is part of what destiny, what God gave me. Hanggang diyan ka lang, tapos. So hayaan kong takutin ‘yan mga mag-kudeta, mag-kudeta paalisin tapos people power, ay anak ka na ng,” ito ang pahayag ng pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Batanes kung saan ay dinumog sya ng mga tao. Bata o matanda ay nagpunta upang makita at makinig sa Pangulo.
“Maraming maraming salamat po dahil for being the first President to visit Batanes after calamity, especially when we are still recovering our strength and regaining our morale and rebuilding whatever was left after the onslaught of supertyphoon Ferdie.” pahayag ni Governor Malou Cayco.
Matatandaang nitong nagdaang buwan lamang ay inanunsyo ng Malacanang ang balak na kudeta nila Senador Antonio "Sonny" Fuentes Trillanes IV , subalit mariin naman din itong itinanggi ng Senador.
“I tend to believe now that it was God who gave it to me. And sabi nila, ‘ay ‘yan mawala ‘yan i-impeach.’ Ako taya ako honor, buhay, pati ang pagka-Presidente ko. Huwag ninyo akong takutin ‘yang mga taga-Manila na mag-rally kayo next year paalisin niyo ‘yan. Kasi pag napaalis ako, that is part of my destiny,” dagdag ng Pangulo.
Hindi na rin umano dapat pang bigyan ng warning o takutin ang Pangulo tungkol sa posibleng kudeta.
“Ang destiny ko ma-Presidente isang taon lang ako. Ganun ‘yan, so do not magsabi na Duterte sa mga newspaper na warningan ako, mag-kudeta mag ano,” anang Pangulo.
Idinagdag pa ng pangulo na nasa kanyang tadhana ang pagiging pangulo, dahil nanalo sya ng landslide victory sa kabila ng kakulangan ng pera at kakulangan ng suporta mula sa mga pulitiko. Isang bagay na ikinatuwa nya dahil ngayon ay wala syang utang na loob kanino man at mabibigyan nya umano ng pantay na treatment ang buong bansa.
Inakusahan din nya ang mga dilaw na syang nasa likod umano ng mga paninira sa kanya sa kanyang laban sa illegal na droga.
“Remember that it was not an issue against me. It was only after I was hitting the ratings na lumabas na mga basura ni [Sen. Antonio] Trillanes.”
Muling iginiit ng pangulo sa kanyang talumpati sa Batanes kamakalawa na hindi sya titigil hanggang mawala ang huling illegal drug user at pusher sa bansa na syang sumisira sa bayan niya.
Ipinangako rin nyang sugpuin ang kurapsyon sa bansa.“Ngayon itong law and order, sabihin ko sa inyo, sabi ko walang corruption, walang droga, walang kriminalidad. I will not stop, masiguro ninyo, itaga ninyo kung saan ninyo itaga ‘yan. I will not stop until the last pusher, until the last drug lord is taken away,” sabi ng Pangulo.
Duterte, hindi umano takot sa KUDETA
Reviewed by Jhon
on
10:32
Rating:
No comments: