DUTERTE: nilinaw na ang Relation/Ties sa US ay di puputulin



DAVAO CITY – Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na “separation of foreign policy” lamang ang ibig sabihin ng kanyang naging pahayag sa state visit niya sa China. 

Ayon sa pangulo, hindi maaapektuhan ang relasyon ng bansa at Estados Unidos. Ang kanyang naging pahayag sa Beijing ay nagdulot ng kalituhan sa mga tao.

"It is not severance of ties. When you say severance of ties, you cut diplomatic relations. I cannot do that," 
"It's in the best interest of my countrymen to maintain that relationship." pahayag ni Duterte.
“What I mean was a separation of foreign policy… 
In the past we always follow what the US would give the cue. We follow, sunod-sunod tayo. Hindi ako magsunod,”  

Nagpakita umano ng suporta ang bansang Russia at sinabing handa silang suportahan ang Pilipinas. Naintindihan din umano ng Russia ang kagustuhan ng Pangulo na mapaunlad ang bansa, sinabi din ng Russia na isang magandang “human gesture” ang ginawa ng Pangulo.

Dinipensahan naman ng China ang hakbang na ginawa ni Duterte.

“Duterte is elected by the people. We believe he will make choices independently which benefits the Philippines and its people in mind,” pahayag ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Hua Chunying sa medya matapos ang speech ng pangulo.
“The sovereign state Philippines can make decisions and policies based on its own interests and we respect that,” dagdag pa niya.
Ipinangako rin ng Pangulo na gagawin niya kung ano ang makakabuti para sa mamamayang Pilipino. Inaasahan din nyang magiging option na lamang ang pag-alis ng mga Pilipino ang magtrabaho sa ibang bansa para lamang mabigyan ng maginhawang buhay ang pamilya..

Panoorin ang buong pahayag nya sa videong ito:


DUTERTE: nilinaw na ang Relation/Ties sa US ay di puputulin DUTERTE: nilinaw na ang Relation/Ties sa US ay di puputulin Reviewed by Jhon on 10:28 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.