Pagpapalibing kay MARCOS sa Libingan ng mga bayani, muling naantala!



MANILA, Philippines — Ini-extend muli sa pangalawang pagkakataon ng Supreme Court (SC) ang status quo ante (SQA) order sa pagpapalibing kay dating Pangulo Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Matatandaang nauna nang inilabas ang halt order noong Agosto 23 na may bisa hanggang Setyembre 18. Subalit, dahil sa petisyon ng mga kumokontra sa pagpapalibing kay Marcos ay ini-extend ulit ito ng mga hukom hanggang ngayong Martes.

Tatlong linggo ang idinagdag sa nauna na nilang inilabas na halt order na iiral hanggang Nobyembre 8.

Ayon kay Atty. Theodore Te, spokesman ng SC, ang pinal na desisyon ay ilalabas na sa Nobyembre 8.
Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalibing kay Marcos, dahil ayon sa sandigang batas pwedeng ilibing dito ang mga yumaong presidente at sundalo.
Ayon din kay Capiz Rep. Fredenil Castro, ayon sa sandigang batas, hindi maaring madisqualify ang isang pangulo sa pagpapalibing dito sa libingan ng mga bayani, may record man ito ng human rights violations at ill-gotten wealth.

Pagpapalibing kay MARCOS sa Libingan ng mga bayani, muling naantala! Pagpapalibing kay MARCOS sa Libingan ng mga bayani, muling naantala! Reviewed by Jhon on 08:19 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.