SK at Barangay Election ngayong taon, kanselado na



Hindi na matutuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election na gaganapin sana ngayong Oktubre 31, taong kasulukyan. 

Kinumpirma ito kahapon ni Assistant Secretary Marie Banaag ng Presidential Communications Office sa press briefing sa Malacañang. Ang nasabing panukalang batas upang ito ay masuspinde ay napirnahan na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“According to Executive Secretary (Salvador) Medialdea, it was already signed by the President but he would have to wait for the aircraft that would bring home the signed law and for proper transmittal to the proper offices,” pahayag ni Banaag.

Sa Oktubre 23, 2017 na gaganapin ang susunod na barangay at SK election. Dahil dito, nadagdagan ng isang termino ang mga nakaupong Barangay at SK officials, maliban nalang kung sila ay pinaalis o suspindido.


Hindi pabor ang Pa­ngulo na ituloy ang barangay elections dahil sa pagkakasangkot ng mahigit 3,000 barangay chairmen sa illegal drug trade sa buong bansa. Posible umanong umikot na naman ang drug money upang magamit ng mga tatakbong barangay officials.
Ayon naman kay Speaker Pantaleon Alvarez, sa pamamagitan ng pagpapatigil sa eleksyon, magkakaroon ng sapat na panahon ang Kongreso para talakayin panukalang buwagin na ang barangay council at SK.

SK at Barangay Election ngayong taon, kanselado na SK at Barangay Election ngayong taon, kanselado na Reviewed by Jhon on 07:54 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.