'Absolute Pardon' iginawad ni Duterte kay ROBIN PADILLA

Ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang actor na si Robin Padilla ng absolute pardon kanina sa ginanap na pulong ng dalawa sa Malacanang.

 


Ikinagulot naman ni Padilla ang paggawad sa kanya ng absolute pardon, dahil ang pakay lang umano niya sa Malacanang ay ang pagkakaroon ng simpleng pagpupulong.



Nirekomenda umano ito ng  Board of Parole, na nasa ilalalim ng Department of Justice.

“I just granted pardon in favor of Robin Padilla kasi yung original pardon niya hindi sinabi yung full restoration ng political and civil rights, therefore he could not travel, he could not get a permit…to possess a gun again. I really do not know the dimension of what is meant by deprivation of political and human rights. But one thing is that you cannot vote, you cannot travel and therefore he could not be issued a passport,” pahayag niya sa isang dinner kasama ang mga mamamahayag.

“Basta yung pardon ko is full restoration of his civil and political rights,” 
“Alam mo yung crime na yan walang nasakatan. I mean if it is a gun, just like the knife, if it sharp it is potentially sharp, ilagay mo lang sa lamesa yan, hindi mo galawin hindi naman nakaka ano yan,” dagdag pa niya.

Taong 1997 nang gawaran ni dating Presidente Fidel V. Ramos si Padilla ng conditional pardon. 

Si Padilla ay hindi nakaalis ng bansa para sana makasama sa panganganak ang misis na si Mariel na nasa Amerika dahil sa kawalan niya ng US visa.
'Absolute Pardon' iginawad ni Duterte kay ROBIN PADILLA 'Absolute Pardon' iginawad ni Duterte kay ROBIN PADILLA Reviewed by Jhon on 08:11 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.