SUPERMOON, masisilayan na ngayong gabi!
Masisilayan na ngayong gabi ang "supermoon" (Lunes, Nobyembre 14, 2016) sa maraming lugar sa Pilipinas.
Ang supermoon ay isang phenomenon kung saan ang buwan ay napakalapit sa mundo.
"This year’s supermoon is one of the closest and biggest in 68 years and it won’t happen again until 2034," pahayag ng PAGASA.
Ayon sa pag-asa, ang buwan ay pinakamalapit sa mundo dakong 7:21 ng gabi, dalawa at kalahating oras bago ito maging ganap na full moon dakong 9:52 ng gabi.
file photo taken October 17, 2016. Amr Abdallah Dalsh, Reuters
Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), a supermoon ay halos 14% na mas malaki at 30% na mas maliwanag kesa sa apogee full moon.
68 taon na ang nakaraan o noong Enero 26, 1948 ang huling supermoon at mauulit lamang ulit sa darating na 2034.
SUPERMOON, masisilayan na ngayong gabi!
Reviewed by Jhon
on
08:58
Rating:
No comments: