lolo at lolang preso, bibigyan ni Duterte ng pardon ngayong kapaskuhan
Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na balak niyang pagkalooban ng presidential pardon o executive clemency ang mga bilanggong edad 80 pataas ngayong kapaskuhan. Kasama rin umano sa mga bibigyan ng presidential pardon ang mga presong lagtas 40 taon nang nakakulong at ang mga may matinding karamdaman.
Ipinahayag niya ito matapos ang paggawad ng absolute pardon kay Robin Padilla sa kasong illegal possession of firearms.
I am contemplating, we are preparing it. Lahat ng matatanda saka may sakit, iyung may rayuma na, hindi na makatakbo, 80 years old above -- kung gusto nila, kung may mauwian pa sila, I will grant them pardon also so that they could return home," pahayg ni Duterte.
"Iyung nakatira diyan nang 40 years or more, they deserve to be out," dagdag niya.
Sa pamamagitan din umano ng paggagawad ng pardon, mababawasan ang congestion o siksikan ng mga preso sa New Bilibid Prisons (NBP).
Inihahanda na din ng Department of Justice (DoJ) ang listahan ng mga gagawaran ng pardon anang pangulo.
Layunin ng pangulo na sa
Tuwing bago magpasko,karaniwang naggagawad ng pangulo ng bansa ng executive clemency sa mga piling bilanggo.
lolo at lolang preso, bibigyan ni Duterte ng pardon ngayong kapaskuhan
Reviewed by Jhon
on
10:34
Rating:
No comments: