'Crazy yellow Kia' driver nanagasa ng mga sasakyan sa Rockwell, di sinampahan ng kaso
Ang driver ng yellow Kia na kotse na nanagasa ng mga sasakyak noong Biyernes ng gabi sa Rockwell Center, Makati City ay di sinampahan ng kaso.
Maari sanang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in physical injuries ang driver na kinilalang si Jamie Camille Lee Brojan, 28, residente ng San Juan City. Subalit hindi na itinuloy ang kaso matapos nyang akuin ang medical bill at vehicular repair expenses sa nangyaring insidente. Pumayag din syang magbayad ng P20,000 sa sinirang gate ng Barangay Poblacion ayon kay Barangay Bantay Bayan officer Honrado Pascual.
Ayon sa mga pulis, nagsimula umano ang gulo nang nilapitan ng nilapitan ng Rockwell security personnel si Brojan dahil sa illegal parking sa may Amorsolo Drive bandang 5:40 ng hapon. around 5:40 p.m.
Tinangka umanong tumakas ni Brojan kung saan naghabulan sila ng mga pulis ng hals isang oras hanggang makarating sa Barangay Poblacion.
Bago sya makorner, binangga ni Borjan ang motorsiklo na iniharang ng mga officers sa kanyang daraanan. Apat na security personal, sina Marlon de Paz, Joel Bustamante, Jigo Baldelamar and Bryan Taping of Southbend Security and Investigative Services Inc., ang nagreport ng injury na kanilang natamo.
'Crazy yellow Kia' driver nanagasa ng mga sasakyan sa Rockwell, di sinampahan ng kaso
Reviewed by Jhon
on
12:11
Rating:

No comments: