Chavit: Kinansela noon ang Miss Universe pageant sa Pilipinas
MANILA - Inilahad ni dating Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson noong Miyerkules na kinansela noon ang Miss Universe na gaganapin sana dito sa Pilipinas.
"Natuloy din. Maraming tumulong," pahayag ni Singson.
Si SIngson ang may pinakamalaking ininvest sa nasabing patimpalak kung saan umabot umano ng $12.9 million ang inambag ng kanyang grupo.
"There was a time na kinancel ha. Kako, hindi pwede kanselahin kasi bayad kami, fully paid," "We signed a contract and it’s a breach of contract."
"Na-kancel na. Nakiusap ako na huwag i-announce," ani Singson.
Ayon kay Singson, ang may-ari ng Miss Universe Organization na si Ari Emanuel, ay kapatid umano ng chief of staff ni Barrack Obama na si Chicago Mayor Rahm Emanuel.
"Ang mga may-ari, mayayaman eh. Miss Universe, gusto nila, pero mga may-ari, ayaw na. So, kako, sabi ng may-ari, babayaran namin mga damages. Well, sumulat ako na hindi ako magdedemanda maski na fully paid kami, may signed contract. Hindi ako magdedemanda kasi nakakahiya naman I'll take advantage," dagdag pa ni Singson.
Hindi na niya inusisa ang rason ng pagkansela, subalit nagbigay sya ng clue na maaaring dahil ito sa pulitika.
"Parang politics. But after the elections, okay na lahat," ani Singson.
Si Maxine Medina, 25 taong gulang, ang kakatawan sa bansa. Umaasa ang lahat na mapasa sa kanya ni Pia Wurtzbach ang titulo ng Miss Universe. Si Wurtzbach ang kauna-unahang Pilipina na nanalo sa Miss Universe.
Chavit: Kinansela noon ang Miss Universe pageant sa Pilipinas
Reviewed by Jhon
on
06:59
Rating:
No comments: