4 Pang Terorista na Nambomba sa DAVAO, Arestado!

MANILA, Philippines – Apat pang miyembro ng Maute terrorist group na nambomba sa Davao noong Setyembre 2 ang nahuli ng pinagsamang operasyon ng Philippine Army at PNP sa magkakahiwalay na ope­rasyon nitong Sabado. 15 katao ang namatay sa nangyaring pambobomba sa Davao night market habang mahigit 70 pa ang nasugatan.


Ayon kay Army spokesman Col. Benjamin Hao nahuli ang mga suspek dahil sa ibinigay na impormasyon ng tatlong teroristang nahuli noong Oktubre 5.
Kinilala ni  ang mga suspek na sina Mohammad Lalaog Chenikandiyil alyas Datu Boi, Jackson Mangulamas Usi alyas Abu Mansor, Jam Zack Villanueva Lopez alyas Haron at Ansan Abdula Mamasapano alyas Abu Hamsa na pawang mga mi­yembro ng Dawla Islamiya Fi Cotobato-Maute Group.
Nahuli ang mga suspek sa compound ng Southern Philippine Development Authority (SPDA) sa Bgy. Tamontaka at Ilang-ilang St., Bgy. Rosary Heights  7, Cotabato City.
Close ad X

Narekober sa mga suspek ang mga baril gaya ng isang cal. 45 pistol, isang cal .38 pistol, limang rounds ng bala ng cal. 38, isang piraso ng magazine ng cal 5.56 MM, tatlong 60 mm mortar improvised explosive devices, isang105 mm howitzer improvise explosive device at hand grenade.
Una nang nahuli sa checkpoint sa Cotabato ang tatlong te­roristang na sina TJ Tagadaya Macabalang, Wendel Factural at Musaili Mustapha na na nahulihan ng mga baril at video ng ginawang pambobom­ba. 
4 Pang Terorista na Nambomba sa DAVAO, Arestado! 4 Pang Terorista na Nambomba sa DAVAO, Arestado! Reviewed by Jhon on 04:53 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.