Imelda Schweighart, nag-resign na bilang Ms Phl Earth!

Nag-resign na bilang Miss Philippines Earth si Imelda Schweighart matapos kumalat ang kontrobersiyal na video kung saan ay pinatutsadahan niya ang nanalo sa Ms. Earth Competition na si Miss Ecuador Katherin Espin.



Sa nasabing video sinabi ni Schweighart  na peke ang ilong, baba at dibdib ni 
"Miss Earth dapat natural!" dagdag pa niya.

Dakong alas-5:52 ng hapon natanggap ng Organizers ng Miss Earth at Miss Philippines Earth ang kanyang voluntary resignation.

Nagpahayag naman ang ina niya na si Annabeth Bautista, na naalarma ito sa natatanggap ng anak na negatibong komento sa social media.



Nakipagkita muna si Schweighart at kanyang ina kay Lorraine Schuck, ang executive vice president ng Carousel Productions na nagpapatakbo sa pageant bago ito magresign.

Bago pa man maganap ang nasabing kompetisyo, dati naring nasangkot sa kontrobersiya ang dalaga nang ikumpara niya si Pangulong Rodrigo Duterte kay Adolf Hitler sa isang facebook live video.



Nagkaroon din siya ng hindi pagkakaunawaan kay Ms. Earth 2008 Karla Henr sa kanilang social media accounts.

Si Miss Philippines Earth first runner-up Kiara Giel Gregorio ang papalit at hahalili sa mga naiwang obligasyon ni Schweighart.
Imelda Schweighart, nag-resign na bilang Ms Phl Earth! Imelda Schweighart, nag-resign na bilang Ms Phl Earth! Reviewed by Jhon on 09:55 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.