De Lima, MAGPAPAKAMATAY umano kapag napatunayang sangkot sa illegal drug trade

Sa isang exclusive interview ng Bombo Radyo Naga sa kay Sen. Leila de Lima, muli niyang sinabi na handa niyang kitlin ang sariling buhay sa oras na patunayan na sangkot siya sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison.



Inilahad din nyang normal pa rin naman ang takbo ng kanyang buhay sa kabi-kabilang issue. Nananatili parin umanong matatag ang kanyang pamilya na lubos na naapektuhan sa mga nangyayari. Patuloy parin din umano ang kanyang pagtanggap ng mga death threats.

Pinapangambahan din umano niya na maging biktima ng extra judicial killings. Ayon pa kay De Lima, kung oras mo na aniya ay oras mo na kaya't hindi na rin siya natatakot sa mga banta sa kanyang buhay.

Nilinaw naman ng senadora na hindi nya hinihinalaan si Presidente Rodrigo Duterte  na magtatangka sa kanyang buhay. Sa halip, posible umanong may ilang pwersa o elemento katulad ng vigilante groups na magsamantala sa sitwasyon

Nilinaw naman ng senadora na hindi niya hinihinalaan si Presidente Rodrigo Duterte na nag-iisip ito ng masama laban sa kanya.





Source: Bomboradyo
De Lima, MAGPAPAKAMATAY umano kapag napatunayang sangkot sa illegal drug trade De Lima, MAGPAPAKAMATAY umano kapag napatunayang sangkot sa illegal drug trade Reviewed by Jhon on 08:50 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.