Sandamakmak na BASURA iniwan sa mga Sementeryo

Sandamakmak na basura na naman ang naiwan sa mga sementeryo matapos ang gunitain ang Undas. Milyon milyong tao ang nagsidalaw sa kanilang mga yumao kasabay ng pag-iwan ng sandamukal na basura.

Sa kasalukuyan, 168 turcks na ng basura ang nakolekta mula sa 23 sementeryo sa Metro Manila palang.




Bago pa man dumating ang Undas, makailang ulit nang nagpaalala ang iba’t ibang environment group na maging responsable at huwag magkakalat sa mga sementeryo subalit wala paring pinagbago at patuloy paring nagkalat ang mga tao.

Taon taon ay ganito lagi ang nagiging sitwasyon matapos ang Undas. Sana ay sa susunod, panatilihin nating malinis ang sementeryo at huwag mag-iwan ng mga basura bilang pagrespeto narin sa ating mga yumaong mahal sa buhay.
Sandamakmak na BASURA iniwan sa mga Sementeryo Sandamakmak na BASURA iniwan sa mga Sementeryo Reviewed by Jhon on 02:57 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.