Miss Universe, kumpirmadong gaganapin sa Pinas! Steve Harvey pa rin ang host

MANILA, Philippines – Tuloy na tuloy na talaga ang Miss Universe 2017 sa Pilipinas! Kinumpirma ito ngayong Huwebes ng Department of Tourism (DOT).
Gaganapin ang coronation night sa Mall of Asia Arena sa Enero 30 ayon sa DOT.

Matatandaang nagkaroon noon ng mga usap usapan na maaaring hindi gaganapin ang naturang event sa Pilipinas. 
Nagmula ang issue nang magpost sa facebook si Department of Tourism (DOT) undersecretary Katherine De Castro na umiiyak sya kasama si Pia Wurtzback. Agad namang pinakalma ni Pia ang publiko at sinabing “jump to conclusions and it was best to wait for official announcements from the organizers.”
Inaasam ng mga pinoy na maiipasa ni Miss U reigning title holder Pia Wurtzbach ang kaniyang korona sa bagong pambatong si Maxine Medina.
Ipinahayag din ng DOT secretary Wanda Teo na si Steve Harvey pa rin ang magiging host pageant kahit inayawan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nakakontrata umano si Harvey sa Miss Univerese kaya hindi sya pwedeng palitan. Magkakaroon din umano ng Pinay na co-host si Harvey.

“Ang importante ay tuloy and we are happy na tuloy na (ang Miss Universe sa Pilipinas),” pahayag ni Teo.
Ayon kay Teo, masaya din umano ang Pangulo na matutuloy ang Miss U sa Pilipinas.
“He (Duterte) is happy. Sabi niya sa akin, o ‘yung Miss Universe ha tuloy na tuloy na... everbody is happy,” ani Teo.

Miss Universe, kumpirmadong gaganapin sa Pinas! Steve Harvey pa rin ang host Miss Universe, kumpirmadong gaganapin sa Pinas! Steve Harvey pa rin ang host Reviewed by Jhon on 09:31 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.