Bilang ng mga Pinoy na nagsasabing mahirap sila, bumaba ayon sa latest SWS survey
MANILA, Philippines – Bumaba ang bilang ng mga pinoy na nagsasabing mahirap sila, ayon ito sa Social Weather Stations (SWS).
Ang nasabing pagsisiyasat ay isinagawa noong Setyembre 24 hanggang 27 kung saan 42 percent na lamang o 9.4 milyong Pilipino na lamang ang nagsasabing mahirap sila.
43% ang dating pinakamababang record na naitala noong Marso 2010 at Marso 1987.
30 percent ng pamilyang Pinoy ang nagsasabing “food-poor” sila o ang kinakain nila ay pangmahirap lamang.
Mayroong ±3 point sampling error ang survey para sa national percentages at ±6 points sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.
Bilang ng mga Pinoy na nagsasabing mahirap sila, bumaba ayon sa latest SWS survey
Reviewed by Jhon
on
07:41
Rating:
No comments: