Duterte papasukin ang Chinese competitors kung di mapapabilis ng PLDT, GLOBE at iba pa ang internet connection nila



DAVAO CITY - "If you do not do it right, you wait, I'm going to China," Ito ang pahayg ni Duterte sa National Banana Congress sa Davao City noong Biyernes. "I'll open up everything for competition. Buksan ko na lang lahat." dagdag pa niya. 

Ipinahayag ni Pangulong Duterte na pinagpapasensyahan nya lang sa ngayon ang mabagal na serbisyo ng lokal telecommunication companies (telcos) gaya ng Smart, PLDT, Globe at Sun Cellular. Binalaan nya nag mga nasabing kumpanya na kung di nila aayusin ang kanilang serbisyo ay makakatikim sila sa kanya. Kung hindi nila magawang ayusin ang kanilang internet connection ay iimbitahin umano ni Duterte ang mga Telecommunication Companies sa China sa kanyang pagbisita sa China sa Oktubre 18 hanggang 21 para magkaroon na sila ng kakompetensya. 

"[PLDT and Smart] are, for example, currently undertaking a 3-year program that will bring LTE mobile internet services to 95 percent of the country’s cities and towns. We are also expanding our fiber-optic service to more parts of the country. We have submitted our mobile internet expansion plans to the NTC," pahayag ni PLDT spokesperson Ramon Isberto. 

Nagpahayag din ang Globe na sinusuportahan nila ang hiling ng pangulo na magkaroon ng mabilis na internet. 

Ipinahayag naman ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar sa isang interview sa Super Radyo dzBB ang plano ng Gobyerno para mapaganda ang internet sa bansa. “Iyong solusyon na inilatag ni (Department of Information and Communication) Secretary Rudy Salalima ay either magtayo iyong gobyerno ng sarili niyang telco; number two, ay punan ng gobyerno iyong mga lugar na mahina or walang presence ng mga cell sites or fiber optics. At pangatlo, ay kumuha talaga ng magpa-bid out para sa third player at papasukin talaga para mas lalong maging vibrant iyong kompetisyon," sabi ni Andanar.
Duterte papasukin ang Chinese competitors kung di mapapabilis ng PLDT, GLOBE at iba pa ang internet connection nila Duterte papasukin ang Chinese competitors kung di mapapabilis ng PLDT, GLOBE at iba pa ang internet connection nila Reviewed by Jhon on 00:52 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.