Nationwide smoking ban pipirmahan na ni Duterte ngayong Oktubre 2016
MANILA, Philippines – Naisumite na sa opisina ni Pangulong Duterte ang ang draft ng executive order ng Nationwide smoking ban.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial na ang draft ng executive order ay halos kapareho ng ordinansa sa lungsod ng Davaokung saan ay kilalang mahigpit na nagpapatupad sa pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
“We already submitted the draft executive order and the President will probably sign it within October,” pahayag ni Ubial.
“There will be no smoking in public places anymore, whether indoor or outdoor. Parks, bus stations, and even in vehicles. All these are considered public places,” dagdag niya.
“Hindi pwede sa indoor. Halimbawa, sa airport merong kuwarto roon na
naninigarilyo, hindi na puwede iyong ganoon o kaya sa mall may isang
kuwarto doon na bumubuga ng usok, hindi na pwede iyon,’ ayon din kay Dr. Eric Tayag.
Balak din ng DOH na mayendahin ang Tobacco Regulation Act of 2003 o ang act regulating the packaging, use, sale, distribution and advertisements of tobacco products.
“What we want is to remove the gray areas in the current law and totally prohibit point-of-sale advertisements as well as designation of indoor smoking areas,” paliwanag ni Ubial.
Tiniyak din ng DOH na mabilis na ipapatupad ang nasabing ordinanasa sa oras na pirmahan ito ng Pangulo. Nauna nang ipinahayag ng DOH na 10 katao ang namamatay sa Pilipinas dahil sa paninigarilyo at paglanghap ng second hand smoke..
Nationwide smoking ban pipirmahan na ni Duterte ngayong Oktubre 2016
Reviewed by Jhon
on
07:29
Rating:
No comments: