Weekdays SALE sa malls, ipinagbawal na
MANILA, Philippines - Bawal na ang weekday sales sa mga mall para makabawas sa trapik ngayong buwan ng Kapaskuhan. Nakipagpulong kahapon ang pamunuan ng Department of Transportation Inter Agency Council for Traffic (DOTr-IACT) sa operators ng mga shopping malls.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), napagkasunduan nilang itigil mula Oktubre 21, 2016 hanggang Enero 9, 2017 ang weekday sales. Tuwing sabado at linggo na lamang ang mga sales. Napagkasunduan din na mula Nobyemre 1, 2016 hanggang Enero 9, 2017 ang lahat ng shooping malls sa Metro Manila ang magbubukas ng 11:00 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi.
Inaasahang ang naturang regulasyon ay makakatulong sa masikip na daloy ng trapiko. Nauna na ring ipinahayan ni Napagkasunduan na tuwing weekends na lamang (Sabado at Linggo), na magsisimula ito ng alas-12:01 ng madaling araw.
Kasama rin sa napagkasunduan ng IACT, MMDA at mga operator, na ang lahat ng shopping malls sa Metro Manila ay magbubukas ng alas-11:00 ng umaga at magsasara naman ng alas-11:00 ng gabi simula Nobyembre 1, 2016 hanggang Enero 9, 2017.
Sa pamamagitan aniya ng naturang regulasyon ay makakabawas ito sa masikip na daloy ng trapiko.
Nauna na ring ipahayag ni MMDA General Manager Tim Orbos noong Huwebes, ang pagtatanggal ng “window hours” sa kahabaan ng EDSA at C-5 Road mula sa Oktubre 31.
Weekdays SALE sa malls, ipinagbawal na
Reviewed by Jhon
on
00:31
Rating:
No comments: