De Lima tinawag na “Mother of all drug lords", dagdag na kaso isinampa sa kanya
MANILA, Philippines - May panibago na namang kasong isinampa kay Sen. Leila de Lima. Sa pagkakataong ito ang Philippine National Police sa Albuera, Leyte ang nagsampa sa kanya ng kaso sa Ombudsman kasama ang isa pang konsehal. Kaunay ito ng pagtanggap umano nila ng milyon milyong payola sa droga mula kay Kerwin Espinosa, ang number 1 drug lord sa Eastern Visayas.
Base umano ang kanilang pagsampa ng kaso sa testimonya ng mga testigo na mga dating nagtatrbaho sa nasabing drug lord, ayon kay Chief Inspector Jovie Espenido, hepe ng Albuera police
Sinampahan ng kaso sa Ombudsman Region 8 na nakabase sa Tacloban City, Leyte si de Lima at kasabwat nitong si Nelson Pepito Jr; na kapwa tumanggap ng milyong payola kay Kerwin. Kalihim palang ng Justice Department si De Lima noon ng makatanggap sya ng payola, tumanggap din umano ng pondo si De Lima mula kay Espinosa upang magamit sa pagtakbo bilang senador
Si Kerwin ay anak ni Albuera Mayor Rolando Espinosa na itinuturing namang protektor nito ay nauna nang sumurender kay PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’de la Rosa noong Agosto 2016. Kasalukyan umanong nagtatago si Kerwin sa Malaysia.
Binanggit pa ng kapatid ni Kerwin na si Rolan Kevin Espinosa na nakasalo umano nila sa hapunan si de Lima sa Dampa Restaurant sa Parañaque City noong nakaraang Marso. Pinangakuan umano sa nasabing pagpupulong ni Kerwin si De lima na popondohan nito ang kanyang pagtakbo. Iniabot daw ni Kerwin ang dalawang bag na naglalaman ng P 4 M kay Ronnie Dayan , na umano’y dating driver lover ni de Lima. Idinagdag din nya na nagkita rin umano si Kerwin at De Lima sa Baguio City noong nakaraang Marso. 2016.
Naghain din sa Department of Justice ng ikalawang reklamo laban kay de Lima sina dating NBI deputy directors Reynaldo Esmeraldo at Ruel Lasala. Naniniwala sina Esmeralda at Lasala na may probable cause para litisin si De Lima batay sa mga testimonial at documentary evidence na kanilang nakalap.
Tinawag pa ng mga complainant si De Lima bilang “Mother of all drug lords”. Ginamit umano ng senadora ang kanyang kapangyarihan upang matuloy ang illegal drug trade sa NBP.
De Lima tinawag na “Mother of all drug lords", dagdag na kaso isinampa sa kanya
Reviewed by Jhon
on
07:20
Rating:
No comments: