11 Abu Sayyaf boluntaryong sumuko sa Militar




ZAMBOANGA CITY - 11 miyembro ng teroristang Abu Sayyaf group (ASG) ang boluntaryong sumuko sa Basilan.

Ayon kay Western Mindanao Command (WestMincCom) chief Lt. Gen. Mayoralgo Dela Cruz, isang 12-anyos na bata ay kasama rin sa mga sumuko na kinilalang si Tari Murasimin.

Kasama rin sa mga sumuko ang sub-leader ng grupo na si Moton Indama na pinsan umano ng kilalang Abu Sayyaf leader na si Puruji Indama. Ilan pa sa mga sumuko ay sina Haimin Jalil, Marham Musana, Sadjara Hadjarama, Halid Murasimin, Gulam Hajim, Haraward Sahirulla, Basri Laisun, Hasim Baliyung at Ring Langka.

Isinuko din ng mga bandido ang ilang armas gaya ng isang Minimi submachinegun, M653 assault rifle, M16, M203 rifle, garand rifile, isang shotgun, caliber .38 revolver at iba pa.

SUmuko umano ang mga nasabing terorista sa pag-asang makapagbalik loob sa pamahalaan at mamuhay ng payapa kasama ang kanilang pamilya.

Muli namang nagpahiyatig ang mga opisyal na bukas umano sila sa sinumang miyembro ng Abu Sayyaf na gustong sumuko.

Pangatlong batch na ito ng mga Abu Sayyaf na boluntaryong sumuko ngayong taon.

11 Abu Sayyaf boluntaryong sumuko sa Militar 11 Abu Sayyaf boluntaryong sumuko sa Militar Reviewed by Jhon on 10:00 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.