6 na ASG nakapasok umano ng Cebu
CEBU, CITY - Inalerto ng Police Regional Office in Central Visayas ( PRO-7) ang mga tao sa Rehiyon 7 ng posibleng terorismo matapos makatanggap ang kanilang ahensya ng mga report na nagsasabing anim na miyembro umano ng Abu Sayyaf group (ASG) ang nakapasok sa Cebu noong Biyernes ng gabi.
Ayon kay ang nasabing grupo ay pinamumunuan umano ng isang nagngangalang Commander Messiah.
“Based on our monitoring, they came here to abduct prominent personalities although bombing malls and other establishments may also be one of their aims,” ani ni Supt. Julian Entoma, chief ng Regional Intelligence Division.
Ayon pa kay Entoma, isang nagngangalang Commander Messiah ang nagsisilbing lider ng nasabing grupo.
“We continue to monitor. We already asked help from the Muslim communities in Cebu as well as the security managements of malls, lodges, and beach resorts,” dagdag pa niya.
Nakatanggap din sila ng report na nakalabas na umano ng Cebu ang anim noong nakaraang linggo, subalit hindi pa tiyak kung sila ay nakabalik na ng Mindanao.
Samantala, hinigpitan na din ang seguridad sa mga business sa Cebu matapos matanggap ang nasabing report.
“In the light of the latest warning from the PNP (Philippine National Police), we enjoin the business community to be extra cautious and to exercise increased security measures in the various public and private business establishments,” pahayag ni Melanie Ng, presidente ng Cebu Chamber of Commerce and Industry (CCCI).
6 na ASG nakapasok umano ng Cebu
Reviewed by Jhon
on
10:14
Rating:
No comments: