2 anti illegal drug na Police, nahuling nangongotong
MANILA, Philippines - Huli sa entrapment operation na aktong pangongotong ang dalawang pulis sa loob mismo ng opisina ng Caloocan City Police Station Anti-Illegal Drugs Unit, kamakalawa ng hapon.
Ayon sa ulat ng pulisya, unang nagtungo si Laila Catamora, 27, sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa Camp Crame upang isumbong ang panghihngi umano ng P100,000 ng mga tauhan ng Caloocan SAID-SOTG upang mapalaya nag kanyang live in partner na si Linso Amogis, 26-anyos.
Ang dalawang suspek ay kinilalang sina PO2 Christian Geronimo at PO2 Kris-toffer San Juan, kapwa nakatalaga sa Caloocan SAID-SOTG.
Nakipagkoordinasyon naman ang CIDG kay NPD Director Fajardo at ikinasa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto kina Geronimo at San Juan sa loob ng opisina ng SAID-SOTG sa Caloocan City Police compound.
Dinisarmahan ni Fajardo ang dalawang pulis at tinanggalan ito ng tsapa at ipinagutos kay Caloocan City Police chief, Sr. Supt. Johnson Almazan na linisin ang buong hanay ng SAID-SOTG.
Patuloy ang paglilinis sa hanay ng pulisya ayon kay Fajardo. Hindi rin umano nila kukunsintihin ang mga illegal na ginagawa ng mga pulis
2 anti illegal drug na Police, nahuling nangongotong
Reviewed by Jhon
on
07:44
Rating:
No comments: