ERAP: US maaaring magplanong patalsikin si Duterte
“Yun ang pangamba ko, sa akin nga ginawa eh,” Ito ang pahayag ni Manila mayor Joseph Estrada matapos ang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ng separation of foreign policy mula sa US.
Sa isang press statement, sinabi ni Estradang pabor sya sa desisyon ng pangulo subalit nangangamba sya na maaaring gumawa ng hakbang ang US upang mapatalsik sya sa puwesto gaya umano ng ginawa sa kanya noong 2001.
“Tama naman ginagawa ni Pangulong Duterte, bakit sila [US] nakikiaalam? Di komo tinututulungan tayo ng US, papakialaman naman nila internal problems natin,” pahayag ni Estrada.
“We are a sovereign country. We have our own Constitution,” ani niya.
Pabor umano sya sa China dahil hindi sila nanghihimasok sa pagpapatakbo ng bansa.
“Kasi ang China ‘di nakikialam sa atin, sa ating independence,” dagdag pa niya.
Samantala, hindi na bago sa pangulo ang balak ng ibang bansa na paalisin sya sa pwesto, sa katunayan sa kanyang speech noong setyembre, ito ang inilahad nya:
Let us not fool each other. [United States President Barack] Obama rides on it. [United Nations secretary general] Ban Ki Moon rides on it. Do you know who's behind this game? It's the yellow,"
"They can think that if they can build a case against me, I'll be impeached," dagdag pa niya.
ERAP: US maaaring magplanong patalsikin si Duterte
Reviewed by Jhon
on
08:19
Rating:
No comments: