9000 pulis ikakalat ng NCRPO sa darating na UNDAS
MANILA, Philippines – Ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ay nakatakdang magdeploy ng 9000 pulis sa darating na undas ngayong November 1.
Ayon kay kay NCRPO Director P/Chief Supt. Oscar Albayalde nakipagcoordinate narin sila sa ibang ahensya ng pamahalaan at mga counterparts sa AFP, MMDA, Bureau of Fire and Protection at local government units (LGU).
Ayon naman kay NCRPO Spokesperson Chief Insp. Kimberly Molitas sa press briefing sa Camp Crame kahapon, walang natatangga na ‘terror threat’ ang mga pulis.
Samantala matatandaang may napabalita noong nakaraang araw na may umiikot na mga miyembro ng bandiding Abu Sayyaf Group ( ASG) sa Zamboanga, Cebu, Negros Oriental at maging sa Metro Manila .
Ayon din kay Molitas binuo na ang Joint Task Force-NCR upang tiyakin ang seguridad ng mga tao sa 99 sementeryo sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila. Magpapakalat din umano sila ng mga rumorondang police mobile cars sa mga subdibisyon.
Mahigpit ding binabantayan ngayon ang mga pantalan, terminal ng bus, MRT, LRT station, at iba pang matataong lugar.
“Naka-full alert tayo”, dagdag pa ni Molitas.
Ayon kay naman kay MMDA General Manager Tim Orbos, 2,886 personnel naman ang ipapakalat din sa araw ng Undas na kinabibilangan ng mga traffic enforcers, towing, clearing group at clean-up crews para sa “Oplan Kaluluwa” sa Metro Manila.
Pakiusap din ng mga opisyal na maging alerto ang lahat at ipagbigay alam agad sa mga pulis ang mga kahinahinalang tao o anumang bagay.
9000 pulis ikakalat ng NCRPO sa darating na UNDAS
Reviewed by Jhon
on
03:43
Rating:
No comments: