60 pulis kinastigo kaugnay sa US Embassy rally dispersal


Manila, Philippines - 10 mga opisyal ng MPD ang sinibak sa puwesto,­ habang 50 naman ang nasa restrictive custody dahil sa naganap na karahasan sa rally sa harap ng US embassy noong nakaraang Miyerkules. Ito ang pahayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Chief Supt. Oscar Albayalde sa kanyang pagtungo sa Manila Police District.


Samantala, nakatakdang magsampa ng kaso ang katutubong grupo na nasugatan laban sa mga pulis dahil sa  marahas na dispersal ng protesta sa US Embassy.

Tiniyak naman ni Albayalde na mabibigyan ng medical assistance ang mga nasaktang pulis at handa silang bigyan ng legal assistance kung kinakailangan.

Kung sakaling lumabas sa imbestigasyon ng Commission on Human Rights, National Police Commission, CIDG at PNP-Internal Affairs Service na may pagkakamali ang mga pulis ay di umano nila ito kukunsintahin subalit sa oras na sila ay mapatunayang gumanap lamang sa kanilang tungkulin ay bibigyan sila ng kaukulang pagkilala.

Nandindigan naman ang PNP na wala sanang nasaktan kung hindi naging bayolente ang mga raliyista. 

Inirekomenda naman ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na regular na isailalim sa neuro at psycho test ang mga pulis dahil hindi umano gawain ng matinong pulis ginawa nila sa rally.

Ayon naman kay Pangulong Duterte posibleng nagkaroon ng “miscalculation” sa panig ng pulis at posibleng na-stress sa posibilidad na makuyog siya at masaktan.


“Alam mo ‘yan ang sinasabi ko ah, even in war, even in everything, it’s miscalculation. Well, I think that the police there was-- nobody would ever do that in the midst of a troubled-- I’m not justifying it. Just a maybe, baka he was under stress, he might be ganged, they might gang up on him, hurt him, and so he acted on a, by instinct, self preservation,” anang Pangulo.


“I will try to talk to the police, invite him for coffee and I will talk to the activists. Para naman hindi sila--I would like to know what really happened. The dimension can only be, can be had if I would do the questioning myself,” pahayag ni Duterte.
Close ad X


“You know, the police said that natakot kasi na-corner sila. There were just two of them I think, in the crowd they were surrounded by the group of militants,” anang Pangulo.
Kung kagustuhan umano talaga ng pulis na sagasaan ang mga raliyista ay dapat sana iy idiniretso nalang nito ang sasakyan.
“So ’yun naman ‘yung ano, hindi naman talaga yung may gusto siyang patayin. Padiretso diretso lang eh. Hindi naman talaga ‘yung pinipili niya kung saan ‘yung mga tao,” ani ng Pangulo.
Idinagdag pa ng pangulo na ayaw niyang mag-away away ang kapwa pilipino sa kanyang administrasyon.
“Para tayong nagra-rumble dito na mga bata eh. Look at those young people there fighting street fights every night. Stop it, it’s a--nako-kornihan na ako. But this is one thing I would like to suggest. I do not want any firearms during demonstrations,” dagdag pa ni Duterte.


60 pulis kinastigo kaugnay sa US Embassy rally dispersal 60 pulis kinastigo kaugnay sa US Embassy rally dispersal Reviewed by Jhon on 08:03 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.