33 raliyista sa marahas na US embassy rally, KINASUHAN NA
MANILA, Philippines - Pormal nang naghain ng patong-patong na kaso sa Manila Prosecutors Office laban sa mga lider at ilang miyembro ng mga grupong kasama sa kontrobersyal na rally noong Octubre 19 taong kasalukuyan.
Isinampa sa kanila ang mga kasong illegal assembly, direct assault of person in authority, physical injury, resisting arrest at maliscious mischief.
Kabilang sa mga kinasuhan sina BAYAN secretary general Renato Reyes, Pia Macliying Malayaw Sandugo at Obet de Castro ng Kilusang Mayo Uno (KMU).
Ilang araw na kinumpleto ang mga dokumento sa kaso ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section, na pinamumunuan ni P/Chief Insp. Arsenio Riparip.
Nagsagawa naman ng panibagong kilos protesta kahapon ang mga indigenous people at mga militante sa ha-rap ng Bonifacio Shrine.
Nagdulot naman ng masikip na daloy ng trapiko ang nasabing protesta na ikinagalit at ikinairita ng maraming tao.
33 raliyista sa marahas na US embassy rally, KINASUHAN NA
Reviewed by Jhon
on
07:57
Rating:
No comments: